Sit and Reach (Flexibility, Masukat ang kahutukan)
– pag-unat sa abot ng makakaya ng iyong kalamnan sa pata (likod ng hita), binti, at likod.
a. Umupo sa sahig na may panukat sa pagitan ng mga binti at sumandal sa dingding. Iunat ang mga braso sa harap ng magkapatong ang mga kamay. Itapat ang 0 (zero) na marka sa dulo ng mga daliri.b. Iunat ang katawan paharap at pababa sa panukat nang hindi niyuyugyog ang katawan patalikod at paharap. Subuking mahawakan to ng daliri.
c. Gawin ito nang dalawang beses. Itala ang average iskor (sentimetro/cm).
Mga Dapat Tandaan:
1. Kailangang nakaunat ang mga tuhod.
2. Iwasan ang paundot-undot (jerky) na galaw.
3. Pantay ang mga daliri sa sukatan/metro; hindi nauuna ang isang kamay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento