Stork Stand Test (Balance)
– pagbalanse gamit ang isang paa lamang.
a. Tanggalin ang sapatos at ilagay ang mga kamay sa baywang.b. Iangat ang isang paa at ilapat ito sa kabilang tuhod na nakatuwid.
c. Tumingkayad gamit ang isang paa.
d. Simulan ang oras kapag nakatingkayad na ang paa.
e. Itigil ito kapag natanggal ang kamay sa baywang, naalis ang nakaangat na paa sa pagkakadikit sa tuhod, naalis sa puwesto ang nakatingkayad na paa, o bumaba nang tuluyan ang mga paa sa pagkakatingkayad.
f. Itala nang tama ang oras na nagawa ito.
Maaaring gawin ito sa kabilang paa gamit ang parehong pamamaraan. Maaaring maging magkaiba ang resulta o iskor na iyong makuha.
Ngayon, susubukin naman ang iyong bilis (speed) sa pamamagitan ng pagtakbo. Sundan lamang ang mga pamamaraan sa tulong ng iyong guro.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento