Biyernes, Hulyo 29, 2016

Ang Philippine Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino

Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino ay makakatulong na maging mas aktibo ang batang katulad mo. Ito ay hango mula sa Pyramid Guide. Ito ay binubuo ng mga gawaing pisikal (physical activity) na hinati sa apat na antas (levels) kung saan ang bawat antas ay tumutukoy sa rekomendadong dalas ng paggawa (frequency) ng iba’t ibang mga gawaing pisikal (physical activity). Ang gawaing pisikal ay tumutukoy sa anumang pagkilos ng katawan na nangangailangan ng enerhiya (energy). Ito ay gawaing pisikal na maaaring madali o hindi nangangailangan ng matinding buhos ng enerhiya tulad ng pagsusulat, pagbabasa, pagsisipilyo, at iba pa. Maaari ding may kahirapan o mas nangangailangan ito ng mas maraming buhos ng enerhiya gaya ng pagsayaw, pagtakbo,paglalaro ng basketball at iba pa.

Samantala, ang dalas ng paggawa (frequency) naman ay tumutukoy sa dami ng bilang ng paggawa ng isang gawain. May mga gawaing pisikal na mas madalas na ginagawa at mayroon ding mas madalang kung gawin. Ang dalas ng paggawa ay makatutulong nang malaki sa pagpapaunlad ng kalusugan lalo na kung ang gawaing pisikal ay sumusubok sa kakayahan ng iyong katawan tulad ng pagpapabilis ng tibok ng iyong puso at paghinga. Halimbawa, ang paglalakad ay mas madalas dapat gawin kaysa sa pag-upo lamang buong araw dahil ang paglalakad ay mas nakatutulong sa iyong kalusugan kaysa sa pag-upo lamang.

Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino ay nahahati sa apat na antas (levels). Ang pinakababang antas ay mga gawaing habang tumataas sa pyramid, nirerekumenda na mas madalang na gawin nirerekumendang araw-araw gawin kahit ang mga ito ay simple lamang. Ang mga simpleng gawaing ito ay makatutulong sa iyong kalusugan dahil ang iyong katawan ay kumikilos.

Ang pangalawang antas mula sa baba ay mga gawaing 3-5 beses na rekumendadong gawin. Ito ay binubuo ng mga gawaing lubos na makakapagpataas ng tibok ng puso tulad ng pagbibisikleta, pagtakbo, paglalaro ng basketball, volleyball, at iba pa. Sa paggawa ng mga gawain sa antas na ito, mas nalilinang ang iyong kalusugan dahil patuloy sa pagkilos ang iyong katawan. Ang ikatlong antas mula sa baba naman ay mga gawaing 2-3 beses na rekumendadong gawin. Ito ay binubuo ng mga gawaing maaaring magpainam ng kundisyon ng iyong katawan gaya ng pagtumbling, push-up, pull-up, pagsasayaw, at iba pa. Ang mga gawain sa antas na ito ay makakapagpabilis din ng tibok ng iyong puso ngunit nagbibigay din ng pokus sa pagkundisyon ng iyong mga kalamnan (muscle conditioning).

Ang mga gawaing nasa tuktok naman ay mga gawaing 1 beses lamang na rekumendadong gawin. Ito ay dahil ang mga ito ay itinuturing na sedentary activities o iyong mga gawaing kung saan namamalagi lamang sa lugar ang isang bata at hindi nangangailangan ng matindi niyang paggalaw. Ito ay binubuo ng panood ng TV, paglalaro sa computer, pag-upo nang matagal, at iba pa. Hindi nakakabuti para sa iyong kalusugan ang madalas na paggawa ng mga gawaing nasa tuktok ng pyramid dahil kulang sa subok ang kakayahan ng iyong katawan.

Tandaan na ang batang tulad mo ay dapat isaalang-alang ang kalusugan sa murang edad. Kaya nararapat na suriin mong mabuti ang iyong pang-araw-araw na gawain at iayon ang iyong physical activities sa rekumendasyon ng Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino. Makabubuti kung gagawin mo itong gabay sa mga physical activity mo. Maaaring malinang nito ang isports, laro, sayaw, at pang-araw-araw na gawain sa loob at labas ng tahanan na maaari mong gawin nang ilang beses sa isang linggo.
Kung ikaw ay kasalukuyang hindi gaanong aktibo, dapat ay magsimula sa ilalim ng pyramid at unti-unting damihan ang paggawa ng mga gawaing rekumendado ng Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino. Mas mainam kung ang mga gawaing ito ay hindi lamang minsanan kung gawin bagkus madalas o kung maaari ay araw-araw. Kung ikaw naman ay kasalukuyan nang aktibo, makabubuti kung ipagpapatuloy ang mga gawaing iyo nang ginagawa o dagdagan pa ito. Tandaan na hindi mo kailangang biglain ang iyong katawan. Pakiramdaman mo ito para mas makatulong ang physical activities sa iyo.

Sources:
MAPEH 5 Teacher's Guide

38 komento:

  1. Salamat sa post na ito dahil nakatulong ito nga malaki sa aking leksiyon sa grade six MAPEH... Salamat ng marami Sir Jordan... God bless po

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Maraming maraming salamat sa nagpost dahil maraming nito ang nabasa at nakatulong sa mga estudyante

      Burahin
  2. maraming salamat po, malaking tulong ito sa lesson namin

    TumugonBurahin
  3. maraming salamat po dahil nakatulong ito sa aking test

    TumugonBurahin
  4. This very helpful thank you so much, sir.

    TumugonBurahin
  5. slamat po..mlaking tulong po ito sa akin

    TumugonBurahin
  6. permission to use the picture and the infor to my module po nagagamitin po para po sa new normal
    inilagay ko po kayo as reference.
    salamat pong muli sa tulong

    TumugonBurahin
  7. Maraming salamat po at Mas naintindihan nang mga Bata ang kahulugan nang paka na ito.

    TumugonBurahin
  8. Maraming salamat at laking tulong ito sa mga Bata.

    TumugonBurahin
  9. tysm means- thak u so much and tysm for puting this

    TumugonBurahin
  10. {SANA🙂ALL} ANG GALING NAKATULONG PO TALAGA SAAKIN 🙂

    TumugonBurahin
  11. Salamat po.
    Malaking tulong po ito sa pagagawa ko ng Activty sheets ng class ko.

    TumugonBurahin
  12. Indi nakatulong

    TumugonBurahin
  13. Ang blured po pero makatulong ng kaunti

    TumugonBurahin
  14. Sorry wrong send but it's good
    I know how to speak ay tagalog

    TumugonBurahin